Pumang-anim ang Philippine Men’s Artistic Gymnastics Team sa team final ng 2026 Asian Games sa Japan.
Pinangunahan ng two-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo ang Pilipinas sa kabuuang 227.359 points, higit na mas lamang sa Vietnam at Singapore.
Pinakamalakas ang Pilipinas sa vault, kung saan nakapagtala ang team ng 42.365 points.
Humataw din si Carlos sa floor exercise sa 14.266, ang pinakamataas na individual score sa event sa team final.
Sa kabuuan, nanguna ang China at nasungkit ang ikatlong sunod na team gold nito, habang silver ang Japan at Chinese Taipei ang bronze.
Pero hindi pa tapos ang medal hunt ng Team Pilipinas dahil sasabak sina Carlos at Eldrew Yulo sa finals ng floor exercise.
ADVERTISEMENT
Lalaban din si Carlos sa vault at parallel bars, habang sasabak naman si Eldrew sa horizontal bar.
Pasok din si Miguel Besana sa vault final.
Bagama’t walang medalya para sa team o group event, buhay pa rin ang pag-asa ng Pilipinas sa individual finals.

