Wala pa ring pinal na desisyon kung mauurong ba ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) ngayong taon.
Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., hindi pa niya natatanggap ang panukalang batas na naglilipat sa eleksyon sa November 2028, nang tanungin siya patungkol sa nasabing panukala.
Kaya naman tuloy pa rin ang paghahanda ng Commission on Elections (COMELEC) para sa BSKE sa November 2.
Nakatakda na ring magsimula sa September 28 ang filing ng Certificates of Candidacy (COC) para sa iba’t ibang posisyon.
ADVERTISEMENT
Giit naman ng COMELEC, tuloy ang election calendar hangga’t walang bagong batas na nilalagdaan.
Nauna nang in-adopt ng House of Representatives ang Senate Bill 2387, na naglilipat sa susunod na BSKE sa ikalawang Lunes ng November 2028 at nagtatakda ng limang taong termino para sa barangay at SK officials.

