Balitang A2Z

PBBM, kinokonsidera ang absolute pardon kay Mary Jane Veloso

Seryosong kinokonsidera ngayon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagbibigay ng absolute pardon kay Mary Jane Veloso. Ayon sa Malacañang, pinag-aaralan ang executive clemency sa humanitarian grounds. Nauna itong inihayag…

Billy Torres · · 1 min read

Photo of President Ferdinand Marcos Jr., Palace Press Officer Claire Castro, and Mary Jane Veloso (center)

Seryosong kinokonsidera ngayon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagbibigay ng absolute pardon kay Mary Jane Veloso.

Ayon sa Malacañang, pinag-aaralan ang executive clemency sa humanitarian grounds.

Nauna itong inihayag ni Bataan Representative Albert Garcia sa House deliberations sa panukalang 2027 budget ng Office of the President.

Nang tanungin kung posibleng mapalaya si Veloso bago mag-Pasko, sinabi ni Palace Press Officer Claire Castro na posibleng mas maaga, pero wala pang katiyakan ang timeline.

Matatandaang isang dating Overseas Filipino Worker (OFW) si Veloso na nahatulan ng kamatayan sa Indonesia noong 2010 dahil sa drug trafficking.

ADVERTISEMENT

Matapos ang halos 15 taon sa Indonesia, inilipat siya pabalik sa Pilipinas noong December 2024 sa ilalim ng kasunduan ng Maynila at Jakarta.

Kasalukuyan namang nakakulong si Veloso sa Correctional Institution for Women sa Mandaluyong.

Ayon pa sa Palasyo, hindi na kailangang humingi ng pag-apruba sa Indonesia kung magpapasya ang Pangulo na bigyan si Veloso ng pardon at nasa Pangulo pa ang desisyon para sa pagkakaloob nito.

What do you feel about this article?