Balitang A2Z

Grupong Manibela, PISTON, sabay na magsasagawa ng nationwide transport strike sa dulo ng Setyembre

Magkakasabay na magsasagawa ng kilos-protesta ang dalawang malalaking transport group sa susunod na linggo dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis. Maglulunsad ang grupong Manibela ng tatlong araw…

BALITANG A2Z · · Updated · 1 min read

Photo of PISTON President Mody Floranda (left) and Manibela Chairperson Mar Valbuena Jr. (right)

Magkakasabay na magsasagawa ng kilos-protesta ang dalawang malalaking transport group sa susunod na linggo dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis.

Maglulunsad ang grupong Manibela ng tatlong araw na nationwide transport strike mula September 28 hanggang 30, habang nakatakda naman ang dalawang araw na tigil-pasada ng PISTON sa September 29 at 30.

Giit ng mga transport group, patuloy na kinakain ng mataas na presyo ng diesel at gasolina ang kita ng mga tsuper at operator.

Matagal na rin nilang isinusulong ang dagdag-pasahe, bukod sa pagbabawas o pagtanggal ng buwis sa petrolyo at iba pang hakbang para mapababa ang fuel prices.

Pero kamakailan, sinabi ng Malacañang na hindi pa pabor ang gobyerno sa dagdag-pamasahe sa ngayon at iginiit na huling hakbang dapat ang taas-pasahe dahil maaaring madagdagan ang pasanin ng mga commuter at makadagdag sa inflation.

ADVERTISEMENT

Sa halip, patuloy munang ipinatutupad ang fuel subsidies, discounts, toll at terminal-fee waivers, at iba pang tulong sa transport sector.

Pero para sa mga tsuper at operator, hindi na umano sapat ang mga ito habang mataas ang operating cost pero nananatiling mababa ang pamasahe.

What do you feel about this article?