Balitang A2Z

Bimby Aquino, may una nang brand endorsement bilang adult

Isang bagong yugto para kay Bimby Aquino dahil nakuha na ng 19-year-old star ang kanyang unang brand endorsement bilang adult. Career milestone nga kung maituturing ang move na ito dahil…

BALITANG A2Z · · Updated · 1 min read

Photo of Bimby Aquino

Isang bagong yugto para kay Bimby Aquino dahil nakuha na ng 19-year-old star ang kanyang unang brand endorsement bilang adult.

Career milestone nga kung maituturing ang move na ito dahil pinili ni Bimby ang healthcare para sa kanyang unang endorsement bilang bagong brand ambassador ng Health Maintenance Organization (HMO) company na iCare.

Aniya, malaki ang naging epekto sa kanya ng karanasan ng kanilang pamilya sa kalusugan, lalo na’t patuloy ang pagpapagamot ng kanyang inang si Kris Aquino.

Giit ni Bimby, hindi dapat pribilehiyo ang healthcare at dapat may access dito ang bawat pamilyang Pilipino.

ADVERTISEMENT

Bilang bahagi ng kanyang bagong responsibilidad, kumuha rin siya ng health coverage para sa kanyang sarili, kapatid, at mga household staff na tumulong mag-alaga sa kanila habang lumalaki.

Para kay Bimby, isa sa pinakamagandang bahagi ng pagiging adult ang kakayahang magbalik-alaga at makatulong sa kanyang pamilya.

What do you feel about this article?