Mapapanood na sa big screen ang muling pagsasama nina Kapamilya stars Joshua Garcia at Julia Barretto sa bagong Star Cinema movie na “Always Yours, Never Mine.”
Gagampanan nina Joshua at Julia bilang sina Apollo at Luna, ang dalawang taong paulit-ulit na pinagtatagpo ng pag-ibig, panahon at mga pagbabago sa buhay.
Umaabot sa halos tatlumpung taon ang takbo ng kanilang kuwento, at sentro ng pelikula ang tanong: kaya mo bang mahalin ang isang tao habang pareho kayong nagbabago?
Sa media conference, sinabi ni Julia na masakit ang mensahe ng titulong “Always Yours, Never Mine,” dahil ibinibigay mo ang sarili mo sa isang tao, pero hindi siya tuluyang mapasaiyo.
Samantala, hamon naman para kay Joshua ang mas tahimik at mas layered na pagganap bilang Apollo, na mas madalas ipinapakita kaysa sinasabi ang kanyang nararamdaman.
ADVERTISEMENT
Kasama rin sa pelikula si Kapuso star Bianca Umali para sa kanyang kauna-unahang Star Cinema movie.
Mula sa direksyon ni Cathy Garcia-Sampana, mapapanood ang “Always Yours, Never Mine” sa mga sinehan simula September 30.

