Balitang A2Z

Agana Bailey Bridge sa Tarlac City, bukas na sa light vehicles

Bukas na sa pedestrians at light vehicles ang temporary Bailey Bridge sa nasirang Agana Bridge sa Tarlac City. Muling nakatatawid na ang mga motorista sa Tarlac River matapos ang mahigit…

BALITANG A2Z · · Updated · 1 min read

Photo of the temporary Bailey Bridge at the damaged Agana Bridge in Tarlac City, now open to pedestrians and light vehicles

Bukas na sa pedestrians at light vehicles ang temporary Bailey Bridge sa nasirang Agana Bridge sa Tarlac City.

Muling nakatatawid na ang mga motorista sa Tarlac River matapos ang mahigit tatlong linggong pagkasira ng tulay dahil sa malakas na ulan at agos ng ilog noong August 29, bunsod ng mga bagyo at Habagat.

Sumailalim muna sa load testing ang temporary bridge bago ito binuksan sa publiko.

Mahigpit naman ipatutupad ang sampung toneladang maximum load capacity lamang at 20 kilometer-per-hour na speed limit.

Ibig sabihin, puwede nang dumaan ang mga sedan, SUV, pickup, van, jeepney, ambulance, at ilang light trucks.

ADVERTISEMENT

Pero, bawal pa rin po ang bus, malalaking truck, fuel truck, at concrete mixer.

Magpapatupad din ng stop-and-go traffic scheme para mapanatiling ligtas at maayos ang daluyan ng mga sasakyan.

Layon ng pagbubukas na mapababa ang oras ng biyahe ng mga residenteng napilitang gumamit ng mas malalayong alternate routes matapos masira ang Agana Bridge.

What do you feel about this article?