Naisilbi na ang subpoena mula sa Senate Impeachment Court kay Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte.
Inoobliga si Mayor Duterte na humarap bilang witness sa impeachment trial ng kanyang kapatid na si Vice President Sara Duterte sa September 28 hanggang 30.
Nauna nang nakatakdang humarap si Baste Duterte sa September 23, pero inilipat ang kanyang testimony dahil sa nakatakdang oral arguments sa usapin ng conviction threshold.
Ayon sa prosecution, inaasahang tatanungin si Mayor Duterte tungkol sa mga transaksyon ng Davao City government sa mga kumpanyang umano’y may kaugnayan kay VP Sara.
ADVERTISEMENT
Nilinaw naman ng prosecution na witness at hindi respondent si Mayor Duterte sa impeachment case.

