Balitang A2Z

Pikachu, nakarating na sa kalawakan

Mula Pokémon World, hanggang outer space! Nakarating na sa International Space Station (ISS) ang isang Pikachu plush toy, kasama ng European Space Agency astronaut na si Sophie Adenot. Umabot ng…

Billy Torres · · Updated · 1 min read

Mula Pokémon World, hanggang outer space! Nakarating na sa International Space Station (ISS) ang isang Pikachu plush toy, kasama ng European Space Agency astronaut na si Sophie Adenot.

Umabot ng 67 days ang pananatili ni Pikachu sa orbit mula April 11 hanggang June 17.

Sa panahong iyon, nakumpleto ni Pikachu ang humigit-kumulang 1,040 na ikot sa paligid ng mundo.

Nakuhanan pa ng litrato ang Pikachu plush sa Cupola ng ISS, kung saan tanaw ang Earth mula sa kalawakan.

Pero hindi pa tapos ang mission ni Pikachu.

ADVERTISEMENT

Bahagi ang space trip sa bagong collaboration ng European Space Agency at The Pokémon Company International para sa World Space Week 2026 sa October 4 hanggang 10.

Magkakaroon din ng space-and-Pokémon exhibits sa mga museum sa Europe, special Pokémon GO activities, at Astronaut Pikachu encounters hanggang April 2027.

What do you feel about this article?