Balitang A2Z

Pamahalaan, hindi pa pabor sa taas-pasahe sa kabila ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis

Hindi pa pabor ang Malacañang sa pagtaas ng pamasahe sa kabila ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis. Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, pinag-aaralan pa ang mga…

BALITANG A2Z · · Updated · 1 min read

Photo of Palace Press Officer Claire Castro

Hindi pa pabor ang Malacañang sa pagtaas ng pamasahe sa kabila ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, pinag-aaralan pa ang mga petisyon para sa fare hike, habang binabalanse ng gobyerno ang kapakanan ng mga commuter at transport sector.

Giit ng Palasyo, hangga’t kaya, subsidy at iba pang tulong muna sa mga tsuper at operator ang prayoridad bago ipasa sa pasahero ang dagdag-gastos.

“Sa ngayon, kailangan pong ibigay ang rekomendasyon sa Pangulo para po maaral ito. Hindi po kasi sa ngayon inclined talaga na magtaas ng pasahe or pamasahe para sa ating mga kababayan,” ani Castro.

Kabilang sa mga tulong ang dose piso na kada litrong fuel discount, toll exemption para sa provincial buses, at pag-waive sa terminal fee sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) at 86 SM transport terminals.

ADVERTISEMENT

Pero nananawagan ang ilang city at provincial bus operators ng mas mataas na pamasahe.

Ayon sa mga grupo, umaabot na sa 45 hanggang 60 porsiyento ng operating costs ang gastos sa fuel, bukod pa sa modernization loans, maintenance at iba pang bayarin.

Habang hindi naman isinasara ng Palasyo ang posibilidad ng fare hike.

What do you feel about this article?