Balitang A2Z

Music video ng “Donuts” ni Nadine Lustre at Apl.de.Ap, inilabas na

Parang Santa, diyosa, reyna, at mandirigma ang atake ni Nadine Lustre sa bago at official music video ng kantang “Donuts.” Tampok sa visuals si Nadine bilang isang warrior princess sa…

BALITANG A2Z · · Updated · 1 min read

Parang Santa, diyosa, reyna, at mandirigma ang atake ni Nadine Lustre sa bago at official music video ng kantang “Donuts.”

Tampok sa visuals si Nadine bilang isang warrior princess sa isang fictional at dystopian world na may malalakas na impluwensiya ng Filipino history, mythology, spirituality at fashion.

Si Nadine mismo ang nanguna sa creative direction, kung saan pinagsama ang pre-colonial Filipino elements at mas modern at futuristic na aesthetic.

Kasama rin sa kanta ang Filipino-American rapper na si Apl.de.Ap ng Black Eyed Peas.

Aminado si Nadine na surreal para sa kanya ang collaboration, dahil fan na siya ng Black Eyed Peas mula pa noong teenager siya.

Orihinal na solo track sana ang “Donuts,” pero nais ni Nadine ng ibang energy sa kanta, kaya napili si Apl.de.Ap para magdagdag ng kanyang distinct rap style.

ADVERTISEMENT

Comment naman ng fans, “Saint Nadine!”

Inilabas ang kanta noong September 4, habang nag-premiere ang official music video noong September 18.

Para kay Nadine, sentro ng bagong visual era ang pagyakap sa sariling identity, pinagmulan at personal na kapangyarihan.

What do you feel about this article?