Sumuko na sa gobyerno ang mahigit 1,200 miyembro ng Communist Terrorist Groups simula Enero ng taong ito, ayon sa Armed Forces of the Philippines (AFP).
Ayon naman sa Philippine Army, wala nang kakayahan ang mga teroristang grupo na maglunsad ng malawakang pag-atake sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

