Balitang A2Z

LRT-2, naging limitado ang biyahe matapos tamaan ng kidlat ang power cable sa Antipolo Station

Naging limitado ang biyahe ng LRT-2 matapos tamaan ng kidlat ang power cable malapit sa Antipolo Station nitong Martes, September 22. Dahil sa pagtama ng kidlat, natanggal ang bahagi ng…

Billy Torres · · Updated · 1 min read

Photo of a portion of the LRT-2 catenary wire near Antipolo Station that was struck by lightning

Naging limitado ang biyahe ng LRT-2 matapos tamaan ng kidlat ang power cable malapit sa Antipolo Station nitong Martes, September 22.

Dahil sa pagtama ng kidlat, natanggal ang bahagi ng catenary wire na nagsusupply ng kuryente sa mga tren.

Sa pinakahuling update nitong Martes ng gabi, Recto hanggang Santolan at pabalik muna ang biyahe ng LRT-2, at pansamantalang hinto ang operasyon sa Marikina-Pasig at Antipolo Stations.

Ayon sa Light Rail Transit Authority (LRTA), mas mabilis ang repair kung naalis lang sa fittings ang kable at hindi tuluyang naputol.

Pero naaantala ang pagkukumpuni dahil sa patuloy na kidlat, kulog at ulan, na posibleng maglagay sa panganib sa mga maintenance workers.

ADVERTISEMENT

Samantala, natapos na ang pagkumpuni sa nasirang catenary wire at magbabalik sa full line operations ang LRT-2 ngayong Miyerkules, September 23.

Magsisimula ang unang biyahe ng tren mula Antipolo at Recto sa ganap na 5:00 ng umaga.

Pinayuhan din ang mga pasahero na bantayan ang official at lehitimong LRT-2 advisories para sa susunod na update.

What do you feel about this article?