Walang nagtanong o nag-interpellate sa plenaryo ng Kamara sa panukalang 2027 budget ng Office of the Vice President (OVP).
Agad tinapos ng House of Representatives ang deliberasyon matapos mag-mosyon si ACT Teachers Representative Antonio Tinio at sumang-ayon ang mayorya.
Paliwanag ni OVP budget sponsor at Palawan Representative Jose Alvarez, nailatag na umano ang mga tanong sa naunang committee hearing, kaya wala nang mga karagdagang tanong.
Nasa P785.2 milyon ang panukalang agency-specific budget ng OVP para sa 2027.
Mas mababa ito ng 11.7 percent kumpara sa mahigit P800 milyon appropriation ng opisina ngayong 2026.
ADVERTISEMENT
Habang may hiwalay pang mahigit P15 milyon automatic appropriation para sa retirement at life insurance premiums ng mga kawani, kaya aabot din sa mahigit P800 milyon ang panukala.
Nilinaw naman ni Alvarez na hindi umano nakaapekto sa budget deliberations ang kasalukuyang impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte.

