Balitang A2Z

Budget ng DMW, binawasan sa gitna ng nagpapatuloy na krisis sa Middle East

Kinuestion ng ilang senador ang pagbawas sa panukalang 2027 budget ng Department of Migrant Workers (DMW), habang patuloy ang banta sa mga Overseas Filipino Worker (OFW) dahil sa sigalot sa…

BALITANG A2Z · · Updated · 1 min read

Kinuestion ng ilang senador ang pagbawas sa panukalang 2027 budget ng Department of Migrant Workers (DMW), habang patuloy ang banta sa mga Overseas Filipino Worker (OFW) dahil sa sigalot sa Middle East.

Nasa humigit P11 bilyon ang nakalaan sa DMW sa 2027 National Expenditure Program, halos P130 milyon na mas mababa kumpara sa 2026 budget.

Kinuestion ni Senator Raffy Tulfo kung bakit babawasan ang pondo ng ahensiyang nangangalaga sa milyun-milyong OFW sa panahon ng krisis.

Habang kinuestion din ni Senator Erwin Tulfo ang pagbaba ng emergency repatriation fund ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), na aniya’y nasa mahigit P900 milyon na lamang mula sa mahigit P1 bilyon.

ADVERTISEMENT

“Dapat nga po siguro dagdagan ito huwag bawasan because hindi lang limited na yung gulo dyan sa Iran. Kahapon yata inatake ng Houthis ang Saudi Arabia. Ang Lebanon din po patuloy ang pambobomba ng Israel sa Lebanon. Meron din po tayong OFWs doon,” ayon kay Tulfo.

Sa ilalim ng batas, ginagamit ang OWWA emergency repatriation fund sa pagpapauwi ng mga OFW sa panahon ng digmaan, sakuna at iba pang emergency.

What do you feel about this article?