Balitang A2Z

BOC, nagsampa ng kaso laban sa 14 sa umano’y pagpupuslit ng sibuyas at carrots

Naghain ang Bureau of Customs (BOC) ng anim na criminal complaints sa Department of Justice (DOJ) laban sa 14 na indibidwal kaugnay ng umano’y agricultural smuggling sa Port of Subic.…

BALITANG A2Z · · Updated · 2 min read

Photo of the Bureau of Customs (BOC) filing six criminal complaints with the Department of Justice (DOJ) against 14 individuals in connection with alleged agricultural smuggling at the Port of Subic

Naghain ang Bureau of Customs (BOC) ng anim na criminal complaints sa Department of Justice (DOJ) laban sa 14 na indibidwal kaugnay ng umano’y agricultural smuggling sa Port of Subic.

Kabilang sa mga inireklamo ang importer, licensed customs broker, iba pang indibidwal, at siyam na opisyal at kawani mismo ng Customs.

“Yung pinuno ng x-ray sa Subic, isang intelligence agent, iyong examiners, appraisers, matataas na posisyon iyan at again palagay ko madadala na iyong iba naming tauhan at makakatulong yung pagsampa ng kaso na respetuhin natin, mahalin natin ang ating mga sariling magsasaka, sariling nating mangingisda sa pamamagitan ng pakikipaglaban natin dito sa agricultural smugglers,” ayon kay BOC Commissioner Ariel Nepomuceno.

Batay sa imbestigasyon, idineklara bilang “chicken lollipops” ang anim na shipment na dumating noong June 20 hanggang 25 sa Port of Subic.

Pero sa physical inspection, natuklasan ang mahigit sa 15,000 sako ng sariwang puting sibuyas at mahigit 2,000 kahon ng fresh carrots.

ADVERTISEMENT

Wala rin umanong sanitary and phytosanitary import clearance mula sa Bureau of Plant Industry ang mga produkto.

Tinatayang aabot sa mahigit P17 milyon ang halaga ng mga produkto, ayon sa Customs.

Nahaharap ang mga indibidwal sa umano’y paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act dahil sa misdeclaration at importasyon ng regulated agricultural products nang walang kailangang clearance, na nakakaapekto sa ekonomiya at kabuhayan ng mga lokal na magsasaka.

What do you feel about this article?