Balitang A2Z

Anne Curtis, pumalag sa basher na tinawag siyang ‘retokada’: My daughter and I are both beautiful

“My daughter and I are both beautiful.” Hindi pinalampas ni Kapamilya actress-host Anne Curtis ang isang netizen na tinawag siyang “retokada.” Sa isang deleted post sa X/Twitter, ipinahiwatig ng netizen…

BALITANG A2Z · · Updated · 1 min read

Photo of Kapamilya actress-host Anne Curtis and her daughter, Dahlia, along with a screenshot of her response to a deleted X post by a netizen

“My daughter and I are both beautiful.”

Hindi pinalampas ni Kapamilya actress-host Anne Curtis ang isang netizen na tinawag siyang “retokada.”

Sa isang deleted post sa X/Twitter, ipinahiwatig ng netizen na nagparetoke umano si Anne at ginamit pa ang itsura ng kanyang anak na si Dahlia bilang “ebidensiya.”

Diretso namang nilinaw ng actress-host na hindi siya nagparetoke.

Giit ni Anne, proud siya sa kanyang sarili at sa kanyang anak, at para sa kanya, pareho silang maganda.

Sa halip na makipagsagutan, pinili ni Anne na padalhan ng kabaitan at “virtual hug” ang netizen.

ADVERTISEMENT

Ayon pa sa post, karaniwan niyang hindi pinapansin ang ganitong negatibong comments, pero sa pagkakataong ito, pinili niyang sumagot.

Umani naman ng suporta mula sa fans ang kalmadong pagtugon ng It’s Showtime host, lalo na’t nadamay sa komento ang kanyang anak.

Magugunitang nag-viral kamakailan ang make-up ni Anne Curtis dahil sa lighting at extreme close-up.

What do you feel about this article?