Ikinatuwa ni Vice President Sara Duterte ang personal na pagharap ng kanyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC).
Ayon kay VP Sara, nakita na mismo ng mga hukom ang kalagayan ng 81-anyos na dating pangulo.
Umaasa naman siyang maisasaalang-alang at mapag-uusapan ng ICC ang edad at kalusugan ng kanyang ama.
Matatandaang personal na dumalo ang dating pangulo sa status conference noong September 16, ang una niyang harapang pagdalo sa ganitong pagdinig sa kanyang kaso.
ADVERTISEMENT
Hindi pa naman naglalabas ng pinal na desisyon ang ICC sa usapin ng kanyang kakayahan sa pagharap sa trial.
Patuloy namang nakakulong sa ICC detention centre sa The Hague si dating Pangulong Duterte habang hinaharap ang mga kasong crimes against humanity kaugnay ng umano’y mga pagpatay sa kampanyang war on drugs.

