Muling nagpa-extend si Senator Loren Legarda ng kanyang medical leave hanggang October 9.
Ayon kay Senate Secretary Renato Bantug, nag-file si Legarda ng leave para sa September 21 hanggang 23, September 28 hanggang October 2, at October 5 hanggang 9.
Ito na ang ikaanim na sunod-sunod na medical leave ng senadora mula noong Agosto.
Sa kabila nito, hindi pa isinapubliko ni Legarda ang detalye ng kanyang umano’y kondisyon.
Matatandaang nagsimula ang kanyang medical leave ilang araw matapos ianunsyo ng Ombudsman ang preliminary investigation laban sa kanya at sa anak niyang si Batangas Representative Leandro Leviste, kaugnay ng umano’y anomalya sa solar power projects.
ADVERTISEMENT
Kapwa naman itinanggi nina Legarda at Leviste ang mga alegasyon at nagsumite na sila ng kanilang counter-affidavits.
Dahil naman sa kanyang mga petsa ng leave, hindi makakadalo si Legarda sa mga nakatakdang Senate session at impeachment proceedings.

