Balitang A2Z

Republic Gas Corporation o Regasco, nagtaas na ng presyo sa LPG simula September 21

Nauna nang nagpatupad ang kumpanyang Republic Gas Corporation (Regasco) ng P4 dagdag kada kilo ng Liquefied Petroleum Gas (LPG) simula nitong Lunes, September 21. Katumbas po ito ng P44 na…

BALITANG A2Z · · Updated · 1 min read

Nauna nang nagpatupad ang kumpanyang Republic Gas Corporation (Regasco) ng P4 dagdag kada kilo ng Liquefied Petroleum Gas (LPG) simula nitong Lunes, September 21.

Katumbas po ito ng P44 na dagdag sa presyo sa kada 11-kilong tangke ng gasul.

Samantala, hiwalay pa ang dagdag-presyo ngayong Setyembre sa posibleng mas malaking dagdag-presyo pagsapit ng Oktubre.

Maaaring sumipa ng P10 hanggang P25 kada kilo ang presyo ng LPG sa susunod na buwan.

Ayon sa LPG Marketers Association, tumaas ang international contract price ng LPG ng nasa 70 dolyar kada tonelada, o katumbas ng halos P4 kada kilo sa local market.

Dagdag-pressure din ang mataas na shipping at freight costs dahil sa patuloy na tensyon sa Middle East.

ADVERTISEMENT

Kapag natuloy ang tinatayang taas-presyo, posibleng madagdagan ng P110 hanggang P275 ang presyo ng karaniwang tangke.

Pero hindi pa final ang October adjustment.

Malalaman ang aktuwal na presyo sa pagtatapos ng Setyembre, na ipatutupad pagsapit ng October 1.

What do you feel about this article?