News LightLatest News

Piso, muling humina sa P62.78 kontra dolyar

Humina ang halaga ng piso nitong Lunes at tuluyang nagsara sa P62.78 kontra dolyar. Mas mahina ito kumpara sa P62.749 na pagsasara noong Biyernes.

Newslight · · 1 min read

Humina ang halaga ng piso nitong Lunes at tuluyang nagsara sa P62.78 kontra dolyar.

Mas mahina ito kumpara sa P62.749 na pagsasara noong Biyernes.

Ito na ang ikalawang sunod na trading day kung saan humina ang piso.

Ayon kay RCBC Chief Economist Michael Ricafort, napalakas ang halaga ng dolyar dahil sa mga pahayag ng U.S. Federal Reserve officials kaugnay ng mataas na inflation at posibleng paghihigpit ng monetary policy.

Nakatulong din umano sa dolyar ang mataas na U.S. Treasury yields.

ADVERTISEMENT

Para ngayong araw, Martes, asahan na gagalaw ang piso sa P62.65 hanggang P62.85 kontra dolyar.

Samantala, bumaba naman ng 12.12 points o 0.21% ang Philippine Stock Exchange Index o PSEi, at nagsara sa 5,843.79. (Pink Feliciano/News Light)

What do you feel about this article?