Balitang A2Z

Multicab, nahulog sa bangin sa San Remigio, Antique; driver, ligtas sa aksidente

Sa kasagsagan ng masamang panahon, nahulog sa bangin ang isang multicab sa San Remigio, Antique nitong Biyernes ng hapon, September 18. Sa video na ipinost sa Facebook ng saksi na…

Billy Torres · · Updated · 1 min read

Photo of a multicab that fell off a cliff in San Remigio, Antique

Sa kasagsagan ng masamang panahon, nahulog sa bangin ang isang multicab sa San Remigio, Antique nitong Biyernes ng hapon, September 18.

Sa video na ipinost sa Facebook ng saksi na si Che Ra Dee, nakuhanan ang mabilis na takbo ng sasakyan bago ito nawalan ng kontrol at bumaligtad sa malubak na bahagi ng daan.

Nagpagewang-gewang muna ang sasakyan bago tuluyang bumagsak sa humigit-kumulang 15 hanggang 20 metrong lalim ng bangin.

Agad namang sinaklolohan ang driver na nakalabas pa mula sa sasakyan.

Himalang ligtas ang biktima at mga galos lamang ang natamo.

ADVERTISEMENT

Batay sa paunang imbestigasyon, nawalan umano ng kontrol ang driver dahil sa mechanical problem, habang lumabas din sa ulat na nakainom umano ang nagmamaneho ng sasakyan.

Patuloy naman ang imbestigasyon matapos ang insidente, habang pinaaalalahanan ang mga motorista na maging maingat sa pagmamaneho.

What do you feel about this article?