Nakilahok ang libu-libong volunteers sa buong bansa sa 41st International Coastal Clean-Up Drive nitong Sabado, September 19.
Nakiisa ang mahigit 54,000 volunteers mula private at public institutions, maging mga estudyante mula iba’t ibang paaralan.
Layon ng cleanup drive na muling gawing malinis ang mga dagat at karagatan, at isulong ang kamalayan sa tamang pagtatapon ng basura, partikular na ng plastik, na isa sa pangunahing environmental challenge sa bansa.
Bahagi rin ng inisyatibong ito ang paglutas sa problema ng malawakang pagbaha sa bansa at pagkasira ng natural habitat ng mga lamang-dagat.
Ilan sa mga pangunahing coastal na nilinis ang SM by the Bay, kung saan mahigit 224,000 kilo ng basura ang nahakot.
ADVERTISEMENT
“We will be able to engage the community to be part of meaningful causes like this and to remind them that the responsibility to take good care of the environment is everyone’s responsibility,” ayon kay Richard Caluyo, Senior Asst. VP, SM Cares.
Kasama rin ang Baseco Beach sa Tondo at Manila Baywalk Dolomite Beach.

