News LightLatest News

Mapayapa umanong rally sa Metro Manila, naitala ng NCRPO

Ayon sa NCRPO, nakatulong ang kooperasyon ng mga pulis, organizers at participants para mapanatili ang kaayusan sa mga pagpupulong.

Newslight · · 1 min read

Naitala ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang mapayapa umanong pag-alala sa ika-54 na anibersaryo ng deklarasyon ng marahas na Martial Law.

Mahigit 17,000 police officers ang itinalaga sa iba’t ibang lugar para sa seguridad ng kilos-protesta.

Ayon sa NCRPO, nakatulong ang kooperasyon ng mga pulis, organizers at participants para mapanatili ang kaayusan sa mga pagpupulong.

Samantala, ayon mismo sa Manila Public Information Office, nagkaroon ng tensyon sa pagitan ng mga raliyista at mga pulis matapos na arestuhin ng Manila Police District (MPD) ang dalawang indibidwal dahil sa umano’y vandalism sa Mendiola-Recto area. (Pink Feliciano/News Light)

What do you feel about this article?