Todo-kayod pa rin ang bansang Indonesia sa pag-apula ng malawakang forest at peatland fires sa Borneo at Sumatra, lalo’t patuloy ang pagkalat ng makapal at mapanganib na usok.
Dineploy na ng gobyerno ang mahigit 50,000 tauhan, maging ang higit 60 aircraft, para sa water bombing at iba pang firefighting operations.
Pero mahirap apulahin ang apoy dahil umaabot ito sa ilalim ng tuyong peat soil, habang kapos din sa tubig ang ilang apektadong lugar.
Umakyat na rin ang haze sa Malaysia at Singapore at mahigit sa 100,000 kaso na ang naitalang may sakit sa baga sa pitong apektadong probinsya sa Indonesia mula September 1 hanggang 9.
ADVERTISEMENT
Ayon sa Indonesian government, pinalalala ng malakas na El Niño, matagal na tagtuyot, at epekto ng climate change ang sunog, na itinuturing na pinakamatindi sa bansa sa loob ng 11 taon.
Nagpadala na rin ng tulong ang Japan, habang tinanggap ng Indonesia ang alok na assistance mula sa Malaysia.

