Kasabay ng National Day of Protest, muling humirit ang transport group na Manibela ng P2 dagdag-pamasahe sa mga jeep.
Ayon kay Manibela Chairman Mar Valbuena, hindi na umano kaya ng mga tsuper at operator ang patuloy na pagtaas ng presyo ng langis.
Iginiit niyang mahigit 100 porsiyento na umano ang itinaas ng presyo ng ilang petroleum products kumpara sa mga naunang antas kaya hindi na sapat ang kasalukuyang pamasahe.
Habang panibagong malaking oil price hike din ang ipatutupad ngayong linggo.
ADVERTISEMENT
Habang isinasapinal pa naman ang rekomendasyon sa taas-pasahe ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at target itong maisumite sa Department of Transportation (DOTr) sa Oktubre.
Iginiit ni Valbuena na kung inflation ang pangamba, dapat umano’y tutukan din ng gobyerno ang ugat ng mataas na operating cost—ang presyo ng krudo at gasolina.

