Balitang A2Z

Girlfriend ni Olympic gold medalist Carlos Yulo, todo-suporta sa magkapatid sa 2026 Asian Games

Hindi lang galing at tiyaga ang baon ni Carlos Yulo sa kanyang laban dahil isinama nito ang kanyang number one cheerleader na si Chloe San Jose. Todo ang suporta ni…

BALITANG A2Z · · Updated · 1 min read

Photo of the Yulo brothers and Carlos Yulo’s girlfriend, Chloe Anjeleigh San Jose

Hindi lang galing at tiyaga ang baon ni Carlos Yulo sa kanyang laban dahil isinama nito ang kanyang number one cheerleader na si Chloe San Jose.

Todo ang suporta ni Chloe para sa gymnastics superstars na Yulo brothers, ito’y lalo’t maraming pagkakataon para sa medalya ang magkapatid na Carlos at Karl Eldrew Yulo sa 2026 Asian Games sa Japan.

Nanguna si Carlos sa qualification ng kanyang favorite event na floor exercise matapos humataw ng 14.600 points.

Habang pasok din ang two-time Olympic gold medalist sa finals ng parallel bars at vault kahit nagkaroon ng problema sa ilang landing sa qualifying round.

Samantala, umabante naman si Eldrew sa finals ng floor exercise at horizontal bar.

Si Eldrew din ang nakapagtala ng pinakamataas na all-around score sa Team Philippines sa 77.264 points.

ADVERTISEMENT

Habang pasok din ang isa pang pambato ng Pilipinas sa finals ng vault si Miguel Besana.

Pumang-anim naman ang Pilipinas sa qualification sa kabuuang 232.093 points.

Sasabak ang men’s team sa medal round sa September 23, susundan ng floor exercise final sa September 24, at vault horizontal bar at parallel bars sa September 25.

What do you feel about this article?