News LightLatest News

DPWH Davao chief, ipina-subpoena ng NBI hinggil sa 51 na flood control project

Sa subpoena na isinilbi kahapon, pinapapunta sa tanggapan ng NBI si DPWH Region-11 Director Juby Blancaver Cordon at ipasa ang mga dokumentong may kinalaman sa pagsisiyasat.

Newslight · · 1 min read

Ipinatawag ng National Bureau of Investigation (NBI) ang Department of Public Works and Highways (DPWH) Regional Director ng Davao bilang parte ng imbestigasyon sa maanomalyang mga proyektong kontra-baha sa siyudad.

Sa subpoena na isinilbi kahapon, pinapapunta sa tanggapan ng NBI si DPWH Region-11 Director Juby Blancaver Cordon at ipasa ang mga dokumentong may kinalaman sa pagsisiyasat.

Dahil dito, nakatakdang pumunta si Cordon sa NBI sa Huwebes, ika-24 ng Setyembre, upang isumite ang mga record na sakop ang 51 na flood control projects.

Ito ay matapos sabihin ni NBI Director Melvin Matibag noong nakaraang linggo na hawak na nila ang mga papeles ng nasa 50 proyekto sa siyudad na posibleng may iregularidad.

ADVERTISEMENT

May 1.9 bilyong pisong halaga rin umano ng proyekto ang iginawad sa contractor na malapit sa pamilya Duterte. (Denniel Salayo/News Light)

What do you feel about this article?