News LightLatest News

DOE, umamin na walang agarang solusyon sa power crisis sa Visayas

Tanong ni House Committee on Energy Chairman Jose Alvarez sa DOE, bakit patuloy na nakakaranas ng red at yellow alerts sa rehiyon kahit na interconnected na ang power grids, at…

Newslight · · 1 min read

Walang maipresentang solusyon ang Department of Energy (DOE) nang hanapan ito ng agarang tugon sa nagpapatuloy na kakulangan ng kuryente sa Visayas.

Tanong ni House Committee on Energy Chairman Jose Alvarez sa DOE, bakit patuloy na nakakaranas ng red at yellow alerts sa rehiyon kahit na interconnected na ang power grids, at kung bakit hindi kayang mag-supply dito ang Luzon at Mindanao.

Ayon naman kay Energy Undersecretary Mario Marasigan, nililimitahan ng sunod-sunod umanong outage ng mga planta sa Mindanao ang kuryenteng puwedeng maipasa sa Visayas.

Binanggit din ni Marasigan ang kawalan ng baseload generation ng Visayas, partikular sa Negros.

ADVERTISEMENT

Sinabi rin nitong ang pokus na lang ng DOE sa ngayon ay sa generation companies; at ang importante, balik-operasyon na ang mga planta.

Gayunman, nagbabala pa rin si Marasigan na maaari pa ring magkaroon ng red at yellow alert sa ikalawa at ikatlong linggo ng Oktubre. (Denniel Salayo/News Light)

What do you feel about this article?