Panibagong malakihang dagdag-presyo sa produktong petrolyo ang sasalubong sa mga motorista simula ngayong Martes, September 22.
Sa abiso ng mga kumpanya ng langis, aabot sa mahigit P7 ang dagdag sa kada litro ng diesel, habang higit P4 naman ang itataas sa kada litro ng gasolina at P6 naman ang iaakyat sa kada litro ng kerosene.
Ayon kay Department of Energy (DOE) Secretary Sharon Garin, bunsod ito ng lumalalang tensyon sa Middle East, pagkasira ng ilang oil facilities at mahal na palitan ng dolyar, na nagreresulta sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis sa world market.
Hindi na rin inaasahan ng Energy Department na babalik agad sa pre-war levels ang presyo ng langis.
Ayon sa ahensya, posible umanong manatiling mataas ang presyo hanggang Pasko, maliban kung humupa ang sigalot sa Middle East.
ADVERTISEMENT
“The actions of the countries involved in the conflict don’t seem to reflect stability of the market, and also the dollar is very expensive. With the currency exchange, with the situation in the Middle East, we expect that within the year, hindi pa siya bababa sa level na pre-war. Hanggang Pasko, probably the situation will stay elevated, unless the parties really come to a peaceful agreement among the parties involved in the Middle East,” ayon kay Garin.
Pero tiniyak ng DOE na sapat pa ang suplay ng produktong petrolyo sa bansa, lalo’t nasa mahigit 60 araw pa ang tinatayang diesel inventory noong September 11.

