Arestado ang nakatatandang kapatid ni actress-TV host Kim Chiu na si Lakambini “Lakam” Chiu dahil sa 124 counts ng qualified theft.
Sa bisa ng warrant of arrest, dinakip si Lakam nitong Linggo sa Barangay Wack-Wack, Mandaluyong City.
Nagtakda ang korte ng P5.8 milyong piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Matatandaang nag-ugat ang kaso sa umano’y pagkawala ng mahigit P44 milyong pondo ng House of Littlebunny Philippines, ang negosyong kaugnayan ng magkapatid.
Ayon sa legal camp ng kumpanya, corporate funds at hindi personal na alitan ng magkapatid ang sentro ng kaso.
Iginiit din nila na bahagi pa lamang ng mga transaksyon noong 2025 ang sakop ng kasalukuyang reklamo.
ADVERTISEMENT
Nauna namang itinanggi ng panig ni Lakam ang mga alegasyon at sinabing sasagutin nito ang mga kaso sa tamang prosesong legal.
Kasalukuyang nasa Kamuning Police Station custodial facility si Lakam habang hinihintay ang susunod na utos ng korte.
Hindi pa naman paghatol ng pagkakasala ang pag-aresto at dadaan pa sa paglilitis ang mga kaso.

