Balitang A2Z

Alex Eala, diretso sa Round of 16 sa Singapore Tennis Open

Diretso sa Round of 16 si Pinay tennis star Alex Eala sa Singapore Tennis Open. Bilang number three seed, nakakuha ng first-round bye si Alex kaya hihintayin na lang niya…

BALITANG A2Z · · Updated · 1 min read

Photo of Filipina tennis star Alex Eala

Diretso sa Round of 16 si Pinay tennis star Alex Eala sa Singapore Tennis Open.

Bilang number three seed, nakakuha ng first-round bye si Alex kaya hihintayin na lang niya kung sino ang mananalo sa laban nina Tatiana Prozorova ng Russia at Sofia Costoulas ng Belgium.

Babalik sa court si Eala sa Miyerkules, September 23.

Samantala, pagkatapos ng Singapore, tutuloy si Alex sa Japan para irepresenta ang Pilipinas sa 2026 Asian Games.

Lalaban si Eala sa women’s singles at makakatambal si Shaira Hope Rivera sa women’s doubles.

ADVERTISEMENT

Matatandaang pinili ni Eala ang national duty kahit kasabay nito ang China Open, na isang mandatory Women’s Tennis Association (WTA) 1000 event.

Humihingi naman ang Philippine Tennis Association ng exemption sa WTA para maiwasan ang posibleng fine at ranking penalty.

What do you feel about this article?