Inalala sa pamamagitan ng mga pagkilos ang ika-54 na anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law sa bansa ng diktadurang si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.
Bukod sa kasaysayan ng Martial Law, panawagan din ng mga raliyista ang anila’y tunay na pananagutan sa korapsyon na nangyayari sa kasalukuyang panahon.
Pero sa gitna ng mga kilos-protesta, naging isyu muli ang vandalismo.

