Balitang A2Z

Trailer ng bagong “The Hunger Games: Sunrise on the Reaping,” inilabas na

Inilabas na ng Lionsgate ang ikalawang opisyal na trailer ng “The Hunger Games: Sunrise on the Reaping,” ang bagong pelikula mula sa sikat na Hunger Games. Sentro ng prequel ang…

BALITANG A2Z · · Updated · 1 min read

Inilabas na ng Lionsgate ang ikalawang opisyal na trailer ng “The Hunger Games: Sunrise on the Reaping,” ang bagong pelikula mula sa sikat na Hunger Games.

Sentro ng prequel ang disi-sais anyos na si Haymitch Abernathy, na ginagampanan ni Joseph Zada.

Setting ng kuwento, 24 years bago ang original Hunger Games.

Mapipili si Haymitch para sa 50th Hunger Games o Second Quarter Quell, kung saan doble ang bilang ng tributes, na 48 ang maglalaban-laban para mabuhay.

Ipinakita rin sa trailer ang unti-unting paglabang ni Haymitch sa kontrol ng Capitol at President Snow.

ADVERTISEMENT

Kasama sa cast sina Ralph Fiennes bilang President Snow, Elle Fanning bilang Effie Trinket, Kieran Culkin bilang Caesar Flickerman, at Jesse Plemons bilang Plutarch Heavensbee.

Batay ang pelikula sa 2025 novel ni Suzanne Collins at sa direksyon ni Francis Lawrence.

Mapapanood ang “The Hunger Games: Sunrise on the Reaping” simula November 20.

What do you feel about this article?