Iginiit nina House Prosecutor Terry Ridon at Private Prosecutor Benjamin Tolosa Jr. na in good faith o walang masamang intensyon ang mga naging pahayag nila kaugnay ng impeachment proceedings.
‘Yan ay matapos silang sitahin ng impeachment court dahil sa posibleng paglabag sa sub judice rule na nagbabawal sa prosecution, depensa, senator-judges at nasasakdal na pag-usapan sa publiko ang merito ng kaso.

