Balitang A2Z

Ombudsman, nagsampa ng 2 graft at administrative complaints vs. mga Villar

Sinampahan ng Office of the Ombudsman ng dalawang graft complaints at administrative complaints ang magkapatid na senador na sina Mark at Camille Villar, maging sina dating senador Manny at Cynthia…

BALITANG A2Z · · Updated · 2 min read

(left to right) Photo of Assistant Ombudsman Mico Clavano, former Senators Manny and Cynthia Villar, and siblings Senators Camille and Mark Villar

Sinampahan ng Office of the Ombudsman ng dalawang graft complaints at administrative complaints ang magkapatid na senador na sina Mark at Camille Villar, maging sina dating senador Manny at Cynthia Villar, negosyanteng si Paolo Villar, at ilang PrimeWater at water district officials.

Kaugnay ito ng umano’y mahinang serbisyo ng tubig at mga joint venture agreement ng PrimeWater sa ilang local water districts.

Ayon sa Ombudsman, aabot sa 75 water districts ang pumasok sa mga kasunduan sa PrimeWater mula 2015 hanggang 2022.

19 sa mga ito ang naglabas na ng notice of pre-termination dahil umano sa hindi pagtupad ng PrimeWater sa ilang obligasyon.

Sa kasalukuyang mga reklamo, tinitingnan ang mga kasunduan sa Quezon Metropolitan, San Pedro at Trece Martires City water districts.

Ayon kay Assistant Ombudsman Mico Clavano, layon nilang panagutin ang mga taong nasa likod ng korporasyon kung mapatunayang hindi nito natupad ang obligasyon sa publiko.

ADVERTISEMENT

“We are piercing the corporate veil and holding the individuals behind the corporation liable for the non-fulfillment, non-compliance of certain obligations that they owe to the public. Ito yung nakakuha nating mga complaints galing sa ating mga kababayan na hindi malinis at may interruption sa tubig,” pahayag ni Clavano.

Samantala, nasa preliminary investigation pa ang mga reklamo at bibigyan ng pagkakataon ang mga respondent na sagutin ang mga alegasyon.

Pero giit ng Ombudsman, initial list pa lang ito at mas marami pang water districts ang kasalukuyang iniimbestigahan.

What do you feel about this article?