Nakumpiska ng National Meat Inspection Service (NMIS) sa Blumentritt Market sa Maynila ang mahigit sa isang toneladang karne na aabot sa halos P300,000 ang halaga dahil sa hindi malinis na pag-handle ng mga ito.
Kabilang dito ang mahigit sa 700 kilong manok at mahigit sa 400 kilo ng karneng baboy.
Ayon sa NMIS, hindi wasto ang paghawak at pag-iimbak sa ilang frozen meat at hindi rin napanatili ang tamang temperatura.
May mga karne ring natagpuan umano malapit sa maruming banyo.
ADVERTISEMENT
“Yung iba nga nakita pa natin sa CR. Hindi tama yung placement ng handling. Kung may mishandling, malinaw na nako-contaminate yung produkto. Hindi name-maintain ng tama yung dapat na required na temperatura na alam naman natin, pwedeng mag-cause ng health hazard,” ayon kay Dr. Fernando Lontoc, OIC Executive Director, NMIS.
Anila, maaaring makontamina ang mga ito na posibleng magdulot ng panganib sa kalusugan.
Kinumpiska rin ang mga “chicken galantina” o manok na may lamang-loob pa dahil hindi umano dumaan sa kumpletong meat inspection.
ADVERTISEMENT
Samantala, babala muna ang ibinigay sa mga first-time violators.
Habang posibleng magmulta ng P100,000 hanggang P1,000,000 at makulong ng anim hanggang 12 taon sa mga malalamang umulit sa mga ito.
Dadalhin sa accredited rendering facility ang mga kinumpiskang karne para sa wastong pagtatapon ng mga ito.
ADVERTISEMENT
Habang nakikipag-ugnayan na rin ang NMIS sa Manila Local Government Unit (LGU) para magkaroon ng maayos na poultry dressing at inspection facility.

