Balitang A2Z

Kapatid ng namayapang si Princess Diana, may bagong pasabog na paratang vs. King Charles

Naglabas ng bagong matitinding paratang laban kay King Charles III ang kapatid ng namayapang si Princess Diana na si Charles Spencer. Sa kanyang paparating na librong “Swan Song: Diana, My…

Billy Torres · · Updated · 1 min read

Photo of the late Princess Diana (left), King Charles III (center), and Charles Spencer (right)

Naglabas ng bagong matitinding paratang laban kay King Charles III ang kapatid ng namayapang si Princess Diana na si Charles Spencer.

Sa kanyang paparating na librong “Swan Song: Diana, My Sister,” inalala ni Spencer na umano’y parang tuwang-tuwa pa noon si Prince Charles nang mag-usap sila sa telepono noong gabing namatay si Diana noong 1997.

Inakusahan din niya si Charles na nagsabing madali ring makakalimutan si Diana ilang araw matapos ang kanyang pagkamatay.

Ayon din kay Spencer, nagkaroon sila ng matinding pagtatalo tungkol sa paglakad nina Prince William at Harry sa likod ng kabaong ng kanilang ina.

Pero mariing kinontra ng Buckingham Palace ang mga alegasyon.

ADVERTISEMENT

Ayon sa palasyo, maaaring maapektuhan ng matinding pagluluksa ang paghatol at pag-alaala ng isang tao kahit makalipas ang maraming taon.

Ilalabas sa susunod na linggo ang libro ni Spencer, halos tatlong dekada matapos mamatay si Princess Diana sa car crash sa Paris, France.

What do you feel about this article?