10 araw bago ang filing ng Certificate of Candidacy (COC) para sa mga tatakbo sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE), hinihintay pa rin hanggang ngayon kung may halalan nga bang magaganap sa November 2.
Habang pinangangambahan naman ngayon ng Commission on Elections (COMELEC) ang pagsasabatas ng pagpapaliban nito sa kasagsagan ng COC filing at posibilidad na pagkuwestyon sa Korte Suprema.

