Balitang A2Z

CCG vessel, binangga ang BFAR ship sa West Philippine Sea

Binangga ng China Coast Guard (CCG) ang isang sasakyang-pandagat ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) habang naghahatid ito ng fuel subsidy sa mga Pilipinong mangingisda sa West Philippine…

Billy Torres · · Updated · 1 min read

Photo of a China Coast Guard (CCG) vessel that collided with a BFAR ship in the West Philippine Sea

Binangga ng China Coast Guard (CCG) ang isang sasakyang-pandagat ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) habang naghahatid ito ng fuel subsidy sa mga Pilipinong mangingisda sa West Philippine Sea.

Nangyari ang insidente mga 54 nautical miles mula sa baybayin ng Palawan, sa loob ng Philippine Exclusive Economic Zone, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).

Tinamaan ng CCG vessel 21585 ang BRP Datu Magat Salamat matapos umanong paulit-ulit na lumapit nang delikado sa BFAR ship.

Nagkaroon ng pinsala sa starboard o kanang bahagi ng sasakyang-dagat, habang kumalat ang mga debris sa deck.

Nagpadala na ang PCG ng mga sasakyang pandagat at air assets para tumulong at tiyakin ang kaligtasan ng mga crew.

ADVERTISEMENT

Matatandaang ito rin ang naturang vessel na tinutulungan ng Philippine Coast Guard sa pagsasagawa ng maritime patrol at naghahatid ng fuel subsidy para sa mga mangingisdang Pilipino.

Kinondena naman ng Pilipinas ang aksyon ng China at iginiit na labag ito sa 2016 Arbitral Award ng Pilipinas at sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), kung saan hindi matanggap-tanggap ng Beijing ang kanilang pagkatalo, 10 taon na ang nakaraan.

Wala pang inilalabas na panig ang China hinggil sa insidente.

What do you feel about this article?