Positibong nakilala na ng pamilya ang babaeng natagpuang patay sa loob ng refrigerator sa isang apartment sa Rodriguez, Rizal.
Ayon sa Philippine National Police (PNP), lumapit sa mga otoridad ang ama ng biktima at nagpakita ng mga identification document para kumpirmahin ang kanyang pagkakakilanlan.
Habang iniimbestigahan din ng pulisya kung pera ang posibleng motibo sa krimen.
Ayon sa isang kaanak, may dalang malaking halaga ng pera ang biktima bago ang insidente.
ADVERTISEMENT
Nauna nang ituring ng pulisya na person of interest ang lalaking umano’y live-in partner ng biktima, na patuloy pang hinahanap.
Patuloy pa rin naman ang imbestigasyon para matukoy ang motibo at makilala ang responsable sa pagpatay.

