Ibinahagi ng isang astronaut ang kanyang kakaibang experience kung paano sila kumakain ng pananghalian habang nakalutang sa microgravity sa kalawakan.
Sa videong ibinahagi ni Sophie Adenot sa Instagram ng European Space Agency, makikita na walang karaniwang plato habang maingat ang bawat pagkain dahil puwedeng lumutang ang food and drinks kapag nakawala sa lalagyan.
Kaya naman karamihan sa space food, naka-sealed packages, ready-to-eat o kailangang lagyan muna ng tubig bago kainin.
Patok din sa mga astronaut ang tortilla imbes na karaniwang tinapay dahil hindi ito makalat na puwedeng lumutang at pumasok sa mga sensitibong equipment.
ADVERTISEMENT
Dagdag pa rito, nagiging pagkakataon din ang mealtime para magkuwentuhan at magkakasama-sama ang mga astronaut matapos ang kanilang mga gawain sa International Space Station.
Isang ordinaryong lunch sa Earth, pero isang extraordinaryong experience kapag nasa kalawakan.

