Balitang A2Z

Sen. Marcoleta, hindi hihingi ng furlough para makaboto sa planong pagbabago ng voting threshold sa impeachment vs. VP Duterte

Hindi hihingi ng furlough o pansamantalang paglabas si Senator Rodante Marcoleta para bumoto sa planong pagbabago sa 16-vote threshold sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Ayon sa senador,…

BALITANG A2Z · · Updated · 1 min read

Photo of Senator Rodante Marcoleta and Vice President Sara Duterte

Hindi hihingi ng furlough o pansamantalang paglabas si Senator Rodante Marcoleta para bumoto sa planong pagbabago sa 16-vote threshold sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Ayon sa senador, hindi na dapat pagbotoboto-han ang bilang, dahil nakasaad aniya sa Konstitusyon na kailangan ang two-thirds ng lahat ng miyembro ng Senado para ma-convict ang isang impeached official.

Sa 24-member Senate, katumbas ito ng 16 na boto.

Magugunitang mainit ang diskusyon sa Senado kaugnay sa pagbabawas ng boto, dahil ilang mga senador ang nahaharap sa mga kaso, nagtatago at nasa ibang bansa.

What do you feel about this article?