Balitang A2Z

Malacañang: PBBM, nais maipasa ang anti-political dynasty law sa ilalim ng kanyang termino

Nais umano ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na maipasa na ang anti-political dynasty law bago matapos ang kanyang termino, lalo’t matagal nang kabilang ang panukala sa mga priority legislation ng…

BALITANG A2Z · · Updated · 1 min read

Photo of President Ferdinand Marcos Jr. and Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro

Nais umano ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na maipasa na ang anti-political dynasty law bago matapos ang kanyang termino, lalo’t matagal nang kabilang ang panukala sa mga priority legislation ng administrasyon.

Ginawa ng Palasyo ang pahayag matapos atasan ng Korte Suprema ang Kongreso na tuparin ang konstitusyonal nitong tungkuling magpasa ng batas laban sa political dynasties, matapos ang halos apatnapung taong hindi pagpapatupad sa mandato ng 1987 Constitution.

Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, matagal nang ipinapamadali ng Pangulo ang panukala, bago pa man lumabas ang desisyon ng Korte.

“Wala pa pong binabanggit na desisyon ang Supreme Court, alam na po natin na ito po ang isa sa mga priority bills ng Pangulo,” ayon kay Castro.

ADVERTISEMENT

Pero nilinaw ng Palasyo na Kongreso pa rin ang magtatakda ng bilis ng legislative process, kasabay ng iba pang mga panukala at trabahong kailangang talakayin ng Senado at Kamara.

Sa ilalim ng Article 2, Section 26 ng 1987 Constitution, inaatasan ang Estado na maggarantiya ng pantay na access sa serbisyo publiko at ipagbawal ang political dynasties ayon sa itatakdang batas.

What do you feel about this article?