Umabot na sa 100 million streams sa Spotify ang hit song ng BINI na “Lagi.”
Inanunsyo ng Star Music ang bagong milestone ng nation’s girl group.
Inilabas ang “Lagi” noong 20-22 at patuloy na pinakikinggan ng mga Bloom makalipas ang apat na taon.
Habang nasa mahigit 31 million views din ang music video nito sa YouTube.
Samantala, tuloy ang “Signals” World Tour ng BINI.
ADVERTISEMENT
Susunod na haharap ang grupo sa mga tagahanga sa Melbourne, Australia sa September 20, Auckland, New Zealand sa September 25 at Sydney sa September 27.
May mga susunod ding show ang BINI sa Singapore sa October 25 at Taiwan naman sa November 15.

