Balitang A2Z

Gazini Ganados, patuloy na nananawagan ng tulong para mailikas ang palestinong ama mula sa Gaza

Patuloy ang panawagan ni Miss Universe Philippines 2019 Gazini Ganados na matulungan na mailikas mula Gaza ang kanyang Palestinong ama at pamilya. Sa panayam ng Arab News, kinuwento ni Ganados…

BALITANG A2Z · · Updated · 1 min read

Photo of Photo of Miss Universe Philippines 2019 Gazini Ganados with her Palestinian father

Patuloy ang panawagan ni Miss Universe Philippines 2019 Gazini Ganados na matulungan na mailikas mula Gaza ang kanyang Palestinong ama at pamilya.

Sa panayam ng Arab News, kinuwento ni Ganados na lalong nahirapan ang kanilang komunikasyon mula nang lumala ang digmaan sa Gaza noong 2023.

Nawalan din umano ng clinic ang kanyang ama, na isang dentista, dahil sa mga pagbomba.

Ayon sa beauty queen, nawalan ng tubig, kuryente at kabuhayan ang kanyang pamilya sa Gaza, kaya patuloy niyang sinusubukang makuha ang mga kailangang approval para mailipat sila sa mas ligtas na lugar.

ADVERTISEMENT

Dagdag pa ni Gazini, kailangan ng koordinasyon at pag-apruba mula sa mga otoridad ng Pilipinas, Egypt, at Palestinian side, na aniya ay mahaba at nakapapagod na proseso.

Pero giit ni Ganados, hindi siya susuko sa paghahanap ng paraan para matulungan ang kanyang ama.

What do you feel about this article?