Balitang A2Z

Atty. Conti, sinabing hindi umuubra ang health argument ng Duterte camp matapos panatilihin ng ICC ang detensyon

Sinabi ni International Criminal Court (ICC) Assistant to Counsel Atty. Kristina Conti na hindi umano nakakatulong sa depensa ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbanggit sa kanyang memory loss at…

Billy Torres · · Updated · 2 min read

Photo of former president Rodrigo Roa Duterte and ICC Assistant to Counsel Atty. Kristina Conti

Sinabi ni International Criminal Court (ICC) Assistant to Counsel Atty. Kristina Conti na hindi umano nakakatulong sa depensa ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbanggit sa kanyang memory loss at iba pang health issues.

Ito’y matapos magpasya ang ICC Trial Chamber 3 na mananatili sa detensyon si Duterte dahil wala umanong makabuluhang pagbabago sa kanyang kalagayan para magbigay-daan sa kanyang pagpapalaya.

Inihayag rin ng korte na tumaas ang posibilidad na makaiwas si Duterte sa proceedings o makapanghimasok sa imbestigasyon at trial kung palalayain.

“So it’s not working. I have to tell you all that it’s not working with Duterte saying he is forgetful, he has diminished executive functions. One, he showed up yesterday. For the mothers, they said, nakakaalala naman pala. Alam niya nasaan siya. Second, the medical reports appear to indicate that he still is fit to stand trial,” pahayag ni Conti.

ADVERTISEMENT

Ayon kay Conti, ito na ang ikalawang review ng detensyon at posibleng maging batayan din ng mga susunod na review, maliban kung may malaking pagbabago sa mga facts ng kaso.

Dagdag pa niya, ang personal na pagharap ni Duterte sa korte nitong Miyerkules, na tila pagharap sa ilang pamilya ng mga biktima, ay nagpapakita lamang na naaalala pa ng dating pangulo kung nasaan siya, maging ang kanyang kalagayan.

What do you feel about this article?