Patay ang tatlong indibidwal matapos bumagsak ang isang maliit na eroplano sa Swiss Alps sa Switzerland.
Base sa ulat, bumangga sa gilid ng bundok sa Fluhalp, malapit sa Leukerbad, ang single-engine aircraft noong Martes.
Galing Lugano ang eroplano at huminto muna sa Sion bago tumulak patungong Buochs.
Hindi pa naman tukoy ang dahilan ng pagbagsak, habang patuloy din ang pagkilala sa mga biktima.
ADVERTISEMENT
Naglunsad na rin ng imbestigasyon ang Swiss Transportation Safety Investigation Board, kasabay ng hiwalay na imbestigasyong kriminal ng Federal Authorities kaugnay ng insidente.

