Balitang A2Z

South Korean inmate, umano’y nagplanong tumakas sa kulungan sa Pilipinas gamit ang heavy-duty drone

Nagplano umano ng matinding pagtakas gamit ang heavy-duty drone na kayang magbuhat ng tao ang isang South Korean na nakakulong sa Pilipinas, ayon sa report ng South Korean broadcaster na…

Billy Torres · · Updated · 1 min read

Nagplano umano ng matinding pagtakas gamit ang heavy-duty drone na kayang magbuhat ng tao ang isang South Korean na nakakulong sa Pilipinas, ayon sa report ng South Korean broadcaster na JTBC.

Kinilala ang inmate na si Park Wang-Yeol, 47 taong gulang, na hinatulan ng 52 hanggang 60 taong pagkakakulong sa Pilipinas noong 2022 dahil sa pagpatay sa tatlong South Korean noong 2016.

Ayon sa report, plano umano ni Park na magpakabit sa isang malaking drone na may kayang magbuhat ng hanggang 75 kilograms at paliparin ito sa ibabaw ng pader ng kulungan.

Nagsagawa pa umano ng test flight ang kanyang mga kasama kung saan makikita sa video ang isang lalaking nakasabit sa drone bago mahulog sa isang body of water.

Pero hindi natuloy ang plano matapos lumabas sa media ang video at nabago ang schedule ng paglipat kay Park.

ADVERTISEMENT

Tinatayang gumastos umano siya ng humigit-kumulang 100 million won o mahigit apat na milyong piso para sa planong pagtakas.

Akusado rin siya ng South Korean authorities na patuloy umanong nagpapatakbo ng illegal drug distribution network habang nasa kulungan gamit ang mobile phones.

Pansamantala namang isinurrender ng Pilipinas sa South Korea si Park para humarap sa mga kaso din roon.

What do you feel about this article?