Naghain ng not guilty plea si dating House Speaker Martin Romualdez nitong Miyerkules hinggil sa plunder case, kaugnay ng umano’y P7.4 bilyong kickback scheme sa mga government infrastructure project.
Habang naka-wheelchair, dumalo si Romualdez sa arraignment sa pamamagitan ng videoconference mula sa New Quezon City Jail sa Payatas, matapos payagan ito ng Sandiganbayan Third Division.
Ayon sa kanyang abogadong si Atty. Ade Fajardo, hiniling nila ang remote appearance para maiwasang malagay sa masamang kondisyon ang kalusugan ng dating speaker.
“He waived the right of the reading information because it’s a right, lawyer naman siya. Ilang bases na niyang pinag-aralan ‘yung information so it’s not necessary for the reading kasi mahaba yung reading it can add to his stress,” pahayag ni Fajardo.
ADVERTISEMENT
Hindi naman pinayagan ng korte ang hiling ni Romualdez na huwag nang basahin nang buo ang criminal information laban sa kanya.
Ibinasura rin ni Associate Justice Karl Miranda ang motion for reconsideration ng kampo ni Romualdez na ipagpaliban ang paglipat sa kanya sa Payatas Jail o ilipat siya sa isang government hospital sa Quezon City.

